Jail guard na sinasabing sangkot sa pagpuslit ng droga sa Gensan City Jail, paimbistigahan ng PDEA-12

83

General Santos City, Philippines – Paiimbistigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency kung sino ang jail guard ng Gensan City Jail na sinasabing responsable sa pagpuslit ng illegal drugs sa nasabing detention facility.

Sinabi ni PDEA-12 Regional Director Gil Cesario Castro na mayroon na silang pangalan ng nasabing jail guard pero tumanggi itong ihayag sa media.

Sinabi pa nito na nag-cooperate na sila kay jailwarden Jose Singson para sila ay tulungan sa gagawin nilang monitoring sa nasabing jail guard.

Matatan-daan na mahigit P100,000.00 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng PDEA-12 mula sa building 1 kasabay ng ginawa nilang Oplan Galugad noong Lunes matapos silang nakatanggap ng report na talamak ang bintahan ng shabu sa Gensan City Jail.

DZXL558

Facebook Comments