Jake Cuenca, binatikos ng netizens matapos i-prank ang kaniyang girlfriend na si Kylie Verzosa

“Bad joke.”

Ito ang mga naging komento ng netizens sa proposal prank ng aktor na si Jake Cuenca sa girlfriend nitong si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Sa video kasi na ipinost ni Jake sa kaniyang Instagram account, makikitang naghanda ang aktor ng candle-lit dinner sa kanilang beach trip sa Palawan.


Naka-setup ang mga lamesa at upuan na napapalibutan pa ng mga ilaw sa damuhan na hugis puso.

Say ni Jake kay Kylie, inihanda niya ito dahil may gusto siyang itanong sa kaniyang girlfriend.

Makikita naman sa mukha ng aktres at beauty queen na nagulat ito sa sinabi ng kaniyang boyfriend at tila nag-expect.

Sa huli, pabiro lang na tinanong ni Jake si Kylie kung kumain na ba ito.

Samantala, dumepensa naman si Jake sa lahat ng mga pumupuna sa kaniya na naiintindihan naman nila ang isa’t isa at kapag dumating naman aniya ang tamang panahon ay hindi siya magdadalawang-isip na mag-propose kay Kylie.

Facebook Comments