Jake Ejercito at Andi Eigenmann – bati na

756

Manila, Philippines – Matapos ang ilang ulit na bangayan, nagkasundo na sina Jake Ejercito at aktres na si Andi Eigenmann.

Kaugnay pa rin ito sa usapin ng pagbibigay kustodiya sa anak nilang si Ellie.

June 22 nang magkaharap sa San Juan Regional Trial Court ang dating magkasintahan kung saan naging maayos naman ang pag-uusap ng dalawa.


Nabatid na umuwi pa mula Singapore si Jake para lang pag-usapan ang isyu.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye ang abogado ni Jake na si Atty. Ferdinand Topacio at sinabing masaya at kapwa pabor sa magkabilang panig ang naging resulta ng pag-uusap.

Facebook Comments