
Kumambyo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa hot pursuit operation nito laban kay Jam Ignacio, ang inireklamong fiancé ni DJ at social media influencer Jellie Aw.
Sa halip, ipapatawag na lamang ng NBI si Ignacio para magbigay ng kanyang paliwanag.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, padadalhan na lamang ng subpoena ng NBI-Violence Against Women and Children Division ang suspek.
Hinamon din ng NBI si Ignacio na sumuko na lamang sa kanilang tanggapan.
Una nang dumulog sa NBI si Aw para ireklamo ang kanyang kasintahan matapos siyang bugbugin nito.
Sa kanyang pagtungo sa NBI, pinakita ni Aw ang mga pasa niya sa mukha at mata gayundin ang mga nabasag niyang ngipin sa lakas aniya ng pambubugbog sa kanya ni Ignacio.
Facebook Comments