
Hindi nagpaunlak ang negosyanteng si Jam Ignacio sa imbitasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kaugnay ito ng reklamong pambubugbog na inirereklamo ng kanyang fiancée na si DJ Jellie Aw.
Sa halip, ang abogado lamang ni Ignacio na si Atty. Oscar Karaan ang dumating sa NBI.
Tiniyak naman ni Karaan na handang humarap sa piskalya ang kanyang kliyente.
Sa kabila nito, umaasa aniya silang madadaan sa out of court settlement o out of the fiscal’s office ang reklamo.
Una nang dumulog sa NBI si Aw matapos ang matinding bugbog sa mukha na kanyang tinamo sa kanyang kasintahan.
Facebook Comments