James de Los Santos, nasungkit na ang ika-25 na gold medal sa larangan ng E-Kata

54

Naibulsa na ni James de Los Santos ang kaniyang ika-25 na gintong medalya sa larangan ng E-Kata O Electronic Tournament Karate.

Ito ay matapos talunin ni de Los Santos si Nagy na tinaguriang Best Senior Male Kata Player ng Hungary sa Katana Intercontinental League Number 4 E-Tournament.

Aminado ang Filipino Karateka na nahirapan ito sa pagsungkit sa gintong medalya dahil Guiness World Record Holder ang kaniyang huling nakalaban.


Matatandaang hawak ni de Los Santos ang number 1 spot sa world virtual kata ranking matapos magwagi sa iba’t ibang E-Kata tournaments.

Facebook Comments