James Reid, excited makasama sa pelikula si Sarah Geronimo

Manila, Philippines – Excited na ang aktor na si James Reid sa nakatakdang pagsasama nila sa pelikula ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ang unang beses na magkakasama sila sa proyekto kung saan pagbibidahan nila ang Filipino remake ng hit 2014 Korean film na “Miss Granny”.

Hindi naman kasama sa pelikula ang girlfriend niyang si Nadine Lustre.


Say ni James Reid, may pinaghahandaan ding ‘solo movie’ si Nadine.

Ilang araw ring tahimik sa showbiz si Nadine matapos ang pagkamatay ng kanyang kapatid kung saan siya dinadamayan ng aktor.

Facebook Comments