James Reid, magiging bagong manager ni Liza Soberano

54

Kinumpirma ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog na si James Reid at ang kanyang grupo na ang bagong hahawak sa karera ng aktres na si Liza Soberano.

Ayon kay Diaz, magtatapos na sa Mayo 31 ang 11 taon na paghawak niya sa karera ng aktres.

Bago ang hiwalayan ay nag-offer naman daw siya ng contract renewal kay Liza na matagal din nitong pinag-isipan.


Say ni Ogie, magalang si Liza na nagpaalam at maluwag naman niya itong tinanggap.

Hindi na rin daw masama ang 11 years na pagsasama nila ni Liza at napakalaki raw ng utang na loob niya sa aktres dahil ang mga kinita niya bilang manager nito ay ginamit niya sa pagpapagamot ng kanyang anak na si Miracle.

Facebook Comments