James Yap, maglalaro pa rin kahit inabisuhan ng doktor na magpahinga dahil sa injury

113

Nananaig pa rin ang kagustuhang makapaglaro ni Rain or Shine Elasto Painters Shooting Guard James Yap sa kabila ng utos ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna ng dalawang laro.

Ito ay matapos siyang magkaroon ng groin injury sa huli nilang laban kontra fuel masters nitong june 9.


Dahil dito, ibinangko muna si Yap dahil patuloy siyang pinahihirapan ng kaniyang injury.

Ayon kay Rain or Shine Coach na si Caloy Garcia, posibleng makapaglaro pa si Yap sa Linggo laban sa Columbian Dyip.

Pero nakadepende pa rin aniya ito sa kaniyang kondisyon.

Facebook Comments

From Advertisers