Jane De Leon, sasabak na sa taping ng ‘Darna’

80

Sisimulan na ni Jane De Leon ang taping ng “Darna” sa Setyembre.

Matatandaang ilang beses na naurong ang palabas at ilang beses ding nagpalit ng cast at direktor.


First choice para sa plano sanang pelikula si Angel Locsin pero pinalitan siya ni Liza Soberano dahil sa health issues.

Pero, umurong din si Liza sa pelikula dahil din sa health reasons hanggang noong 2019 ay pinangalanan si Jane bilang bagong Darna.

Samantala, sa halip na pelikula, gagawing TV series ang Darna na likha ng sikat na Filipino comic book cartoonist at graphic novelist na si Mars Ravelo.

Facebook Comments