Janella Salvador at Markus Paterson, balik Pilipinas kasama ang kanilang anak na si Baby Jude

44

Nakabalik na ng Pilipinas ang magkasintahang sina Janella Salvador at Markus Paterson, kasama ang kanilang four-month-old baby na si Jude.

Kahapon, nag-post si Markus sa kanyang Instagram story ng video ng anak kung saan may caption ito na “Welcome Home Bear” na sinundan ng Philippine Flag emoji.


Base sa kanilang background, tumuloy sina Markus at Janella sa isang hotel para sa kanilang quarantine.

Bukod dito, may post din sina Janella at kanyang ina na si Jenine Desiderio na picture at video habang sila ay nasa London Heathrow Airport at tila naghihintay ng flights.

January 05, 2021, nang inamin nina Janella at Markus na may anak na sila kung saan nanganak ang aktres noong Oktubre 2020 sa United Kingdom.

Facebook Comments