Janella Salvador, blinock ang mga netizen na walang respeto sa kanyang privacy

60

Blinock sa social media ng aktres na si Janella Salvador ang mga netizen na umano’y walang respeto sa kanyang privacy.

Ito ay matapos mag-comment ang ilang netizen sa pinost na picture ni Janella sa kanyang Instagram at sinabihan siya ilantad na niya ang kanyang sikreto.

Sa kaniyang IG story, matapang na sinagot ng aktres ang mga ito at blinock ang mga taong wala raw respeto sa kanyang privacy at walang ibang alam gawin kundi ang maki-tsismis.

Sa ngayon, kasama pa rin ni Janella ang kanyang boyfriend na si Markus Patterson sa United Kingdom na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung nagdadalang-tao nga ba ito.

Facebook Comments