Japan Coast Guard, nagdesisyong ipagpatuloy muli ang paghahanap na nawawalang barko na may missing Pinoy seafarers

72

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Tokyo na nagdesisyon muli ang Japan Coast Guard na ituloy ang paghahanap sa nawawalang panamanian-flagged vessel sa Amami Oshima Island sa Kagoshima Prefecture.

Balak din ng Japan Coast Guard na magdagdag ng rescuers.

Una nang inihayag ng Japan Coast Guard na wala silang makitang trace ng nawawalang barko kaya bumalik sila sa ordinaryong pagpapatrolya na lamang.

Sa 42 na sakay ng nasabing barko, mahigit 30 rito ay Filipino crew members.

Regular naman ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa pamilya sa Pilipinas ng mga nawawalang Pinoy seafarers.

Facebook Comments