Japanese Prime Minister Shinzo Abe – Lumibot Sa Bahay Ni Pangulong Rodrigo Duterte, Mga Kakanin Tulad Ng Biko At Suman –

16

MANILA – Inilibot ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang bahay sa Davao City.Sa mga larawang kuha ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na ipinadala sa media – makikita sina Pangulong Duterte at Abe sa loob ng isang kwarto.Ang nasabing kwarto ay sa pangulo kung saan naroon ang kama nito at ang kanyang kulay puting kulambo.Nabatid na hindi nakakatulog ang pangulo nang walang kulambo.Pinagsaluhan din ng dalawang lider ang inihandang biko, suma, kutsinta at mongo soup.Tumagal si Abe ng 45-minuto sa bahay ni Pangulong Duterte, bago tumulak sa unang opisyal na aktibidad nito sa isang hotel sa Davao City.

Facebook Comments