Jason Mraz, balik Pinas para sa concert bukas!

Image via Facebook/Jason Mraz

DUMATING na sa bansa ang American singer at songwriter na si Jason Mraz para sa kanyang one night concert. Magaganap ito bukas ng gabi sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Inanunsyo ng mga fans ng Grammy-award winning singer ang kanyang pagbabalik sa kanilang official fan page.

Bahagi ng Good Vibes Tour 2019 ang muli niyang pagkanta sa entablado. Ilan sa kanyang mga sumikat na kanta ay “I’m Yours,” “I Won’t Give Up,” “The Remedy,” “You and I Both,” “A Beautiful Mess”, at “Lucky”.


Nag-perform na din si Jason noong 2013 at 2014 sa Pilipinas. Anim na studio album ang kanyang naipundar mula 2002. Magsisimula ang concert sa ganap na ikawalo ng gabi.

Facebook Comments