Jazz, naitala ang record breaking na 29-three points kontra Hornets

59

Tinambakan ng Utah Jazz ang Charlotte Hornets sa score na 132-110.

Naitala rin ng Jazz ang franchise record-breaking na 29 three points na pinakamarami sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA) kung pagbabatayan ang mga naipasok ng bench players.


Nanguna sa Jazz si Donovan Mitchell na may 23 points at 8 assists habang sina Joe Ingles at Georges Niang ay nakagawa ng career-high na tig-seven three points.

Ang Fil-Am naman na si Jordan Clarkson ay hindi rin nagpahuli na nagtapos sa 20 points.

Sa ngayon, ang Jazz pa rin ang top team sa NBA na hawak ang 25-6 kartada.

Facebook Comments