JBC, may shortlist na para sa mababakanteng associate justice post sa SC

73

Manila, Philippines – Isusumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Duterte ang shortlist na pagpipilian nito para sa hihiranging bagong associate justice ng Korte Suprema.

Kaugnay ito ng pagreretiro sa October 26 ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.


Kabilang sa mga nakasama sa shortlist sina;

  1. Barrios, Manuel Mejorada
  2. Delos Santos, Edgardo Lao
  3. Dimaampao, Japar Baby
  4. Garcia, Ramon Del Rosario
  5. Lopez, Jhosep Ylarde
  6. Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez
  7. Perez, Pablito Alhambra
  8. Rosario, Ricardo De Rivera
  9. Singh, Maria Filomena Dumandan

Samantala, ipinagpaliban naman ang pagpapadala ng shortlist na pagpipilian sa pwestong babakanethin ng magreretirong si Chief Justice Lucas Bersamin sa October 18.

Ayon sa JBC, posibleng sa October 15 sila maglabas ng shortlist para sa chief justice post.

Facebook Comments

From Advertisers