Jeepney driver at isang menoredad, patay matapos makuryente sa Marikina City

39

Marikina City, Philippines – Patay ang isang jeepney driver at menor-de-edad na kapitbahay nito matapos makuryente habang namimitas ng mangga sa Marikina City.

Kinilala ang mga biktimang sina mark Rody Bumanlang, 27-anyos at ang 15-anyos na alyas “Jim.”

Sa ulat, dumikit sa live wire ang bamboo pole na ginamit nila sa pamimitas malapit sa terminal at barangay outpost sa FVR road sa barangay Barangka.

Agad na isinugod sa amang Rodriguez Memorial Medical Center ang mga biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.

DZXL558

Facebook Comments