Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Carlos City noong Mayo 18, 2026, kung saan mahigit PhP306,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Pusa,” 35-anyos, jeepney driver at tinukoy bilang high-value individual sa ilegal na droga.
Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 45 gramo at tinatayang Standard Drug Price na PhP306,000.
Pinangunahan ng Provincial Police Drug Enforcement Unit ng Pangasinan Police Provincial Office ang buy-bust operation katuwang ang iba’t ibang law enforcement units sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.
Ayon sa pulisya, bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga na nakatuon sa intelligence-driven operations at mas mahigpit na pagpapatupad ng anti-criminality measures sa buong rehiyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










