Jeff Horn, todo-kayod pa rin sa pagbabawas ng timbang

127

Australia – Todo-kayod pa rin sa pagbabawas ng timbang ang Australian boxer na si Jeff Horn.

Isang araw ito bago ang weigh-in nila ni eight-division world champion Manny Pacquiao at dalawang araw bago ang tinaguriang “Battle of Brisbane” sa Linggo.

Kaya sa halip na magpahinga mamayang gabi, sasabak sa matinding training si horn sa pag-asang mababawasan kahit isang kilo ang kanyang timbang.


Sa kasalukuyan, may bigat na 70.3 kilos o 155 pounds si Horn na kailangang mabawasan ng 8 pounds para maabot ang required na 147 pounds sa ng welterweight division.

Samantala, naniniwala naman ang boxing analyst na si Ed Tolentino na wala nang dapat png patunayan si Pacquiao dahil nakuha na nito ang lahat.

Gayunman, dapat pa ring manalo si Pacquiao kay Horn dahil dito nakasalalay ang kanyang career bilang boksingero at senador.



Facebook Comments