Jennylyn Mercado – excited na sa kanyang bakasyon sa South Korea

Manila, Philippines – Excited na ang aktres na si Jennylyn Mercado para sa nakatakdang bakasyon nito sa South Korea.

 

Say ng aktres, nag-request talaga siya ng pahinga dahil marami-rami na rin naman aniya ang kanyang nai-shoot para sa kanyang upcoming teleserye na Filipino version ng patok na Koreanovela na “My Love From The Star.”

 

Lalo pang nagpa-excite kay Jennylyn ang plano nitong mapuntahan ang original set ng nasabing Koreanovela.

 

Samantala, lulubusin na rin daw ng aktres ang pagkakataon para mabisita ang kanyang amang musikero na nakabase sa South Korea.



Facebook Comments