Jeric Gonzales, nagsalita na sa umano’y relasyon nila ng aktres na si Sheryl Cruz

433
Courtesy: @JERICGONZALES07 and OFFICIALSHERYLCRUZ INSTAGRAM

Nanindigan ang 28-years old na actor na si Jeric Gonzales na “professional” lang ang relasyon nila ng batikang aktres na si Sheryl Cruz.

Ang paglilinaw ng aktor ay kasunod ng hindi pa rin mamatay-matay na pag-uugnay sa kanilang dalawa matapos na mapansin ng mga netizen ang closeness nila makaraang mag-post sa Instagram ng sweet birthday greeting si Sheryl para kay Jeric.


May mga larawan din na magkaakbay at nakasandal ang mukha at kamay ni Sheryl sa balikat ng aktor.

Say ni Jeric, masaya siya sa suporta ng kanilang mga fans, pero very professional daw silang dalawa ni Ms. Sheryl pagdating sa trabaho.

Hindi raw siya nababahala na patuloy na binibigyang kulay ng fans ang kanilang tandem.

Nabatid na magkasama sina Jeric at Sheryl sa isang drama series na pansamantalang natigil ang taping dahil sa quarantine.




Facebook Comments