Jessy Mendiola at Luis Manzano, handa na bang magkaroon ng baby?

42

Handang-handa na ang aktres na si Jessy Mendiola sa pagharap sa panibagong yugto bilang mag-asawa kasama ang kaniyang husband na si Luis Manzano.

Ito ang inamin ng aktres na si Jessy sa kaniyang latest YouTube vlog kung saan sinagot niya ang most Googled questions na ibinigay ng kaniyang mga fans.


Sa tanong kasi kung handa na bang siyang magka-baby, sinabi ni Jessy na mas mabuting mangyari na ito habang wala pa siya sa edad na 30 upang makabawi ang kaniyang katawan.

Habang ani pa ng 28-anyos na si Jessy, pinagpaplanuhan na rin nila ni Luis ang pagkakaroon ng tatlong anak bago siya sumampa sa edad na sa 33.

Sina Jessy at Luis ay ikinasal noong Pebrero sa The Farm sa San Benito, Batangas kung saan Disyembre nakaraang taon nang ini-announce ang kanilang engagement matapos ang apat na taong magkasintahan.

Facebook Comments