Jinkee Pacquiao, ipinasilip sa kanyang followers ang kanilang magarbong private beach resort sa Sarangani Province

Courtesy: Instagram.com/@jinkeepacquiao

Napahayag ng disclaimer ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquaio na si Jinkee Pacquiao nang mag-upload ito ng video tour ng kanilang family private beach resort sa Sarangani Province.

Say ni Jinkee, hindi niya ipinangangalandakan na meron silang private beach resort at ipinakita lang niya ito dahil sa request ng kanyang followers.

Sa 21-minute-long video, inilarawan ni Jinkee ang property bilang “First private resort ng buong family.”


Ito ay dahil may itinayong dalawang villas sa resort, isa para sa pamilya ni Jinkee at isa para sa pamilya ni Manny.

Tinawag din ni Jinkee na “Our little paradise” ang kanilang ari-arian.

Nabatid na itinayo ang private beach resort ng mga Pacquaio sa Barangay Taluya, Glan, Sarangani Province, pitong taon na ang nakalilipas.

Facebook Comments