Jinkee Pacquiao, nag-sorry sa pag-post ng maling Philippine flag

1405

Nag-sorry si Jinkee Pacquiao sa kanyang pagkakamali nang batiin nito ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz nitong Lunes, July 26, 2021.

Sa kanyang Instagram stories, mali ang flag emoji na ginamit ng misis ni Senator Manny Pacquiao sa pagbati kay Hidilyn.


Imbes kasi na Philippine flag ay ang bandila ng Sint Maarten, isang island nation na matatagpuan sa Caribbean ang nagamit nito.

Ang nasabing post ay hindi pinalampas ng mga netizen at agad na naging trending topic sa Twitter.

Umabot pa sa libu-libong likes and retweets ang nasabing post.

Say ni Jinkee, hindi niya sinasadya ang nangyari at pasensya raw dahil mali ang napindot niyang flag emoji.



Facebook Comments