JOB FAIR | Halos 1,000 trabaho, naghihintay para sa mga PWD

113

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng selebrasyon ng International Day for Persons with Disabilities, magsasagawa ang Department of Labor and Employment special job fair para sa mga PWD.

Ayon sa DOLE, nasa halos 100 mga private private companies at gov’t agency ang inaasahang makikibahagi sa isasagawang jobfair sa Miyerlules, December 5, sa Quezon City Hall simula alas 8 ng umaga.

Ilan sa mga posisyon na maaaring pasukan ng mga akplikante ay demo Salesperson, Warehouse Personnel, Customer Lounge Attendant, Machine Operator, Encoder, Merchandizer at Brand Ambassador.

Kabilang rin sa special job fair na ito ang employment, livelihood at training opportunities.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng maraming resume, 2 x 2 ID picture, Photocopy ng training certificates at diploma.

Ang proyektong ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 10524, kung saan mandato ng pamahalaan na magkaroon dapat ng 1% na workforce ang mga PWDs sa mga kumpaniya.

Facebook Comments