Job fair na pangungunahan ng Jolly Management Solutions kasama ang Radyo Trabaho, magsisimula ngayong araw!

68

Aarangakada na mamaya ang job fair ng Jolly Management Solutions, Inc. katuwang ang Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng DOLE-Muntaparlas Field Office at ng Public Employment Service Office (PESO) Taguig City.


Alas-10:00 ng umaga ay magsisimula ang job fair sa Vista Mall sa Tuktukan, Taguig City hanggang alas-5:00 ng hapon.

Bukod dito, mayroon ding libreng haircut, medical check-up, eye-check up, oral check-up at hand and foot massage sa mga makikilahok.

Magsasagawa rin ng feeding program para sa mga bata.

Samantala, inabangan at sinalubong ng marami ang motorcade ng Jolly Management kasama ang RT team nitong Sabado, May 4.

Mainit na tinanggap ng mga tao ang paanyaya ng kumpanya na pumunta sa eksklusibong job fair nila ngayong araw.

Facebook Comments

From Advertisers