Job fair ng jobquest.ph, mag-uumpisa na mamaya

73

Kasado na ang dalawang araw na Jobquest.ph Job Fair 2019: Trabaho for Every Juan.

Magsisimula ito mamayang alas dyes ng umaga hanggang alas sais ng hapon.


Magdala na ng maraming resume at magpunta na sa Megatrade Hall 5th Level, Mega B, SM Megamall.

Nasa mahigit 3,000 bakanteng trabaho ang pwede ninyong pagpilian mula sa 50 pribadong kompanya.

Pwede din ninyong bisitahin ang DZXL Radyo Trabaho booth at makilala ang ilan sa team ng RT.

Samantala, magpapatuloy din ngayon ang 2nd day ng job fair ng jobquest.ph sa level 1, Event Center, Starmall, Alabang sa Muntinlupa City.

Hatid naman nito ang nasa 2,000 bakanteng trabaho ang pwede nyong aplayan mula sa 30 kompanya.

Ang DZXL Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila ang official radio partner ng dalawang nabanggit na mega job fair.

Facebook Comments

From Advertisers