JOBS JOBS JOBS | Nasa 10,000 mga trabaho, naghihintay sa mga aplikante

161

Manila, Philippines – Nasa 10 libong mga trabaho ang ia-alok sa mga job hunters sa darating na Linggo (Aug 12) para sa paglulungsad ng Jobs Jobs Jobs ng Department of Public Works and Highways na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ayon kay DPWH Mark Villar, inimbitahan rin nila ang iba pang government agency na partner ng DPWH sa Build Build Build program tulad ng DTI, DOTr, DOF, DBM, DOLE at NEDA.

Dahil dito, hindi lamang trabaho mula sa construction, architecture, at engineering ang magiging bukas sa mga job seekers kundi maging ang mga posisyong may kinalaman sa clerical work, administrative, accounting, finance, IT at iba pa.

Magkakaroon rin ng One Stop Shop sa nasabing caravan para sa mga kukuha ng NBI clearance, PSA certificates, SSS, PAGIBIG, PhilHealth at BIR.

Ang job caravan ng DPWH ay magsisimula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 4:30 ng hapon sa Linggo.

Facebook Comments