Joemel Advincula alyas Bikoy, nasa ilalim na ng protective custody ng PNP

Bumalik ulitĀ  sa Camp Crame at ngayon ay nasa ilalim na ng protective custody ng Philippine National Police siĀ  Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

Ito ang Kinumpirma ni CIDG Director Major General Amador Corpus, aniya bumalik noong Lunes si Advincula at kusa nitong isinuko ang sarili nya sa PNP.

Pagbalik nito nagsumite na rin si Advincula ng mga ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon upang patunayan ang kanyang mga alegasyon.


Kabilang sa kanyang isinuko ay ang cellphone nito na naglalaman umano ng usapan nila ng Security Chief ni Senador Antonio Trillanes IV at desktop nito.

Samantala, humiling na rin ang PNP ng kopya ng CCTV sa mga lugar na sinasabi ni Advincula na pinagdausan nila ng pagpupulong kaugnay sa Project Sodoma.

Facebook Comments