John Castriciones, opisyal nang bumaba sa pwesto bilang kalihim ng DAR

62

Pormal nang nagpaalam bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) si John Castriciones.

Pinasalamatan ni Castriciones ang suporta sa kanyang limang taong pagiging kalihim ng DAR.


Noong Oktubre 8, nanumpa si Castriciones bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang isa sa mga kalahok sa pagka-senador sa darating na pambansang halalan sa Mayo 2022.

Tatakbo sana siya para sa Senado noong nakaraang midterm elections ng 2019 ngunit sa kalaunan ay nagpasya siyang manatili bilang kalihim ng DAR.

Sa panahon ng panunungkulan niya sa DAR, nabawasan ang bilang ng mga hindi nalutas at nakabinbing mga kaso sa pamamagitan ng kampanyang “Zero Backlog” ng DAR.

Sa 134, 870 kaso ng Agrarian Law, 127,008 o 94 porsyento ang nalutas na at 98 porsyento ng mga kaso sa cancellation at adjudication ay nalutas din.



Facebook Comments