John Lloyd Cruz, nagsalita na sa isyu ng kaniyang pag-alis sa showbiz

70

Nagsalita na ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isyu ng kaniyang pag-alis sa mundo ng showbiz.

Ayon sa aktor, kinailangan niyang huminto at magnilay-nilay at sinabing sariling desisyon niya ang mawala sa limelight.


Inamin din ni Lloydie na hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang ipaliwanag ang nangyari noong nakalipas na limang taon.

Bagama’t huminto ito sa paggawa ng pelikula sa big screen, tiniyak naman nitong hindi siya huminto sa paggawa ng sining.

Samantala, nalalapit na ang paglabas ng pelikula na pagbibidahan ng aktor.

Facebook Comments