John Lloyd Cruz, sinupresa ang kaniyang 90 year old fan

Sinupresa ni John Lloyd Cruz ang kaniyang 90 years old fan nang dumalo ito sa kaniyang birthday celebration sa Cebu.

Base sa isang Facebook video, makikitang sinalubong ni John Lloyd ng yakap at halik sa pisngi si Vicenta Araneta sa mismong birthday party nito.

Ayon sa apo ni lola Vicenta na si Shing Araneta PacaƱa, feeling 18 ang kanyang lola sa sobrang tuwa nang makita ang matagal na nitong iniidolo.


Matatandaang October 2017 nang mag-indefinite leave mula sa showbiz ang aktor.

Facebook Comments