John Regala, nagsalita na kasunod ng ulat na hindi pagiging “cooperative patient”

5292

Nagsalita na ang aktor na si John Regala hinggil sa umano’y pagiging “uncooperative patient” niya habang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).


Ayon sa aktor, nahihiya na siya sa mga taong tumutulong sa kanya kaya nagpumilit na siyang makalabas ng ospital kahit hindi pa tuluyang nakaka-recover.

Nabatid na umabot ng halos P139,000 ang naging bayarin sa isang linggong pagpapagamot ng aktor sa NKTI.

Sabi naman ng aktres na si Nadia Montenegro, isa sa nag-asikaso sa pagpapagamot ni Regala, kung sila ang masusunod ay nais nilang manatili sa ospital ang aktor hanggang sa lumakas ito.

Pero ngayong nakalabas na ng ospital, say ni Nadia, sana raw ay tulungan din ng aktor ang kanyang sarili.

Facebook Comments