Johnny Depp, panalo sa kaso laban sa dating asawang si Amber Heard

155

Nanalo ang aktor na si Johnny Depp laban sa kaniyang dating asawang si Amber Heard sa inihaing kaso na defamation.

Nagsampa ng kaso si Depp laban sa dating asawa matapos niya ilarawan ang sarili sa bilang isang public figure na kumakatawan sa mga biktima ng domestic abuse.

Ayon kay Depp, bagama’t hindi siya pinangalanan sa artikulo na isinulat Ni heard sa Washington Post ay nagdulot ito ng pagkawala ng kaniyang mga role sa pelikula.


Kasunod nito, napatunayan ng husgado na siniraan ni Heard si Depp sa tatlong magkakahiwalay na pahayag habang siniraan din ni Depp si Heard sa isang pahayag ng kaniyang abogado.

Dahil dito, pinagbabayad ng jury si Heard ng 10 million dollars o katumbas ng mahigit kalahating bilyong piso para sa compensatory damages at 5 million dollars naman para sa punitive damages.

Habang ginawaran naman ng dalawang milyong dolyar si Heard bilang compensatory damages.



Bago niyan, nasa 50 millon dollars ang hinihiling ni Depp para sa danyos at isandaang milyong dolyar naman ang hiling ni Heard.

Facebook Comments