Joint Coastal Patrol ng PNP Maritime Group katuwang ang PCG at Philippine Navy, dapat palakasin upang masawata ang illegal drug trade sa karagatan

Napapanahon na para palakasin at paigtingin ang joint coastal patrols ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group kasama ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang matuldukan ang illegal drug trade sa ating karagatan.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, hindi ito ang unang pagkakataon na nakarekober ang mga mangingisda ng sako sakong illegal drugs sa karagatan.

Ani Fajardo, sa ngayon ay limitado lang ang pagpapatrol ng law enforcement agencies sa ating municipal waters dahil narin sa kakulangan ng manpower.

Nabatid na halos ₱9 bilyong piso na ang halaga ng sako-sakong ilegal na droga ang nakitang palutang-lutang sa ilang karagatang sakop ng bansa tulad sa Masinloc, Zambales; Santa Cruz, Ilocos Sur at ilang coastal areas ng Pangasinan.

Hinala ng mga awtoridad na mula ang shipment sa kaparehong source na Chinese-run Golden Triangle syndicate dahil sa kaparehong packaging ng mga ilegal na droga na nakuha din mula sa karagatang sakop ng Ilocos noong isang taon.

Facebook Comments