Joint Memorandum Circular para sa pagtatatag ng green lane ng mga kompanyang nais magtayo ng planta ng bakuna sa bansa, napirmahan na

39

Magtutulungan na ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno upang lalong paigtingin ang laban ng bansa kontra COVID-19.

Kasunod ito ng paglagda nila ng isang Joint Memorandum Circular na nagtatatag ng green lane para sa mga kompanyang nais magtayo ng planta ng bakuna sa bansa.


Pinangunahan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Dir. Gen. Sec. Jeremiah Belgica ang ceremonial signing kasama si Undersecretary Ernesto Perez.

Ayon kay Belgica, nakasalig aniya ang nilagdaan nilang kasunduan sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte upang matiyak na mapapasimple at mapabibilis ang pagproseso sa mga permit at clearance ng mga local vaccine manufacturer na magnanais magtayo ng kanilang planta sa bansa.

Facebook Comments