Jolo Revilla, nagsalita na tungkol sa usap-usapang pagbabalikan nila ni Jodi Sta. Maria

340

Showbiz – Itinanggi ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang mga espekulasyong nagkabalikan na sila ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Ito ay kasunod ng madalas na pag-post sa social media ni Jolo ng kanyang ilang mensahe para sa aktres partikular na noong birthday nito.

Sa ngayon ay ayaw pa muna umano niyang pag-usapan ang isyung ito pero aniya masaya siya ngayon para kay Jodi dahil sa kanyang pagpupursiging matapos ang kursong psychology sa kabila ng busy schedule nito sa showbiz.


Matatandaan nitong isang araw ay nagpost pa si Jolo sa kanyang instagram account ng litrato na hinatid niya sa school si Jodi.

Suportado naman ng ina nito na si Mayor Lani Mercado kung sakaling magkabalikan ang dalawa.

Facebook Comments