Jordan Clarkson, nakipag-bonding sa Filipino community sa US

Game na game na nakipag-bonding si Filipino-American Jordan Clarkson sa Philippine-American society sa Ohio sa Estados Unidos.

Pinangunahan at naging “center of attraction” ang guard ng Cleveland Cavaliers sa isinagawang Filipino heritage night sa “The Q” sa Downtown Cleveland.

Labis naman ang saya ng mga Pilipino na naka-meet and greet nila ang basketball player.


Nakisaya muna ang player bago ang laban ng Cavs at Toronto Raptors kung saan nanalo ang Cavs sa iskor na 126 – 101.

Facebook Comments