Jordanian at Pinay, arestado ng NBI dahil sa large scale illegal recruitment

Manila, Philippines – Iniharap ng NBI sa media ang isang Jordanian at isang Pinay na sangkot sa large scale illegal recruitement.

Galit na galit ang mga biktima nang makita sa NBI ang mga suspek na sina Myrla Olor at ang kinakasama nitong Jordanian na si Ali Moh Khalil Tarrish.

Iniharap din sa media ang isang Conchita Paculba na siyang naging tulay ng mga biktima para makilala ang mag-live-in partner na recruiter.


Nadiskubreng peke ang lahat ng mga dokumentong iprinoseso ng mga suspek pati na ang plane ticket ng mga biktima patungo ng Dubai, UAE.

Kinasuhan na ang mga suspek sa Pasay City Prosecutors Office ng kasong paglabag sa Migrant Workers Filipino Act of 1995 at Paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang kasabwat ng mga suspek na sina Virginia Adling at Mel Madera.

Facebook Comments