Joseph Marco, malaki ang paghanga kay Jodi Sta. Maria

Manila, Philippines – Aminado ngayon ang aktor na si Joseph Marco na malaki ang paghanga niya sa aktres na si Jodi Sta. Maria na kasama niya sa pelikulang Dear Other Self.

Ayon kay Joseph, magaling at masayahing tao si Jodi lalo na’t first time niyang naka-pareha sa isang proyekto.

Ibinahagi din ni Joseph ang ginawang paghahanda sa nasabing pelikula kung saan nag-gym pa ito para lamang ma-maintain ang kaniyang mga abs.


Matatandaan nga na naging usap-usapan ang pag-trim down ng katawan ni Joseph na ngayo’y kinahuhumalingan ng kaniyang mga fans.

Facebook Comments