JTF COVID Shield, nilinaw na hindi na kailangan ng travel authority para sa mga sasakay ng provincial bus

6817

Nilinaw ng Joint Task Force COVID Shield na hindi na kailangan ng travel authority para sa mga sasakay ng provincial bus.

Kasunod ito ng pagbubukas ng 12 modified provincial bus routes mula at patungong Metro Manila, Regions 3 at Region 4A kung saan ba-biyahe ang halos 300 bus.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kailangan lamang magpresinta ng manggagawa ng ID at Certificate of Employment (COE) lalo na kung may kinalaman sa trabaho ang biyahe sa mga lalawigan.

Aniya, tanging ang mga indibidwal lamang na hindi kinokonsidera bilang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang kailangang magpresinta ng travel authority.

Facebook Comments