Judge at aide nito, sugatan matapos tinambangan sa Camarines Sur

56

Sugatan ang isang hukom at aide nito matapos pagbabarilin sa Brgy. Puro Batia, Libmanan, Camarines Sur kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-3:00 ng hapon kahapon nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects ang dalawa habang sakay nang kanilang service vehicle patungo sa Naga City galing sa kanilang opisina.


Kinilala ng Bicol PNP ang biktima na si Jeaneth Gaminde San Joaquin, 56-anyos at residente ng Brgy. Tinago, Naga City na kasalukuyang Judge ng Libmanan Regional Trial Court Branch 56.

Sugatan din ang aide ni Judge San Joaquin na si Rocelle Martinez, 34-anyos at residente ng Buhi, Camarines Sur.

Nagtamo sila ng tama ng bala ng baril sa kanilang katawan dahilan para agad isugod sa Libmanan District Hospital.

Agad naming ikinasa ng pulisya ang hot pursuit operations laban sa mga nakatakas na suspek.




Facebook Comments