JUDGEMENT | Palparan, hahatulan na sa susunod na linggo

2291

Nakatakdang sentensyahan ng Malolos Regional Trial Court si dating Army Major General Jovito Palparan Jr. para sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa September 17.

Ipinag-utos ng korte na dalhin at ipresenta si Palparan, gayundin sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado, at Staff Sgt. Edgardo Osorio sa gagawing promulgation ngayong araw.

Si Palparan ay nakaditine sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Nahaharap si Palparan sa kasong kidnapping and serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Facebook Comments