Judy Ann Santos, todo paghahanda na sa bago nitong game show

51

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng aktres na si JudyAnn Santos Agoncillo ang nalalapit na bagong show nito sa kapamilya network.
Matapos ang mahigit isang taong pamamahinga dahil sakanyang panganganak, muling magbabalik sa telebisyon si Juday upang ipagpatuloyang pagho-host sa ikatlong season ng bet on your baby.
Dahil dito, maraming activities na ginagawa ang aktrespara maging inspirasyon daw sa ibang mga mommy.
Dagdag pa ng aktres, excited na din siya sa kanyang tvcomeback lalo’t malapit sa puso niya ang naturang show.
Ipinasyal din ng aktres at ng mister nitong si Ryan angkanilang mga anak sa Amerika bago sila mag-celebrate ng 8th wedding anniversarysa April 28.
 

Facebook Comments