Judy Carol Dansal, nanumpa na bilang bagong Administrator ng NFA Council

68

Nanumpa na kay Agriculture Secretary Manny Piñol si Career Official Judy Carol Dansal bilang bagong Administrator ng National Food Authority (NFA) Council.

Ito ay makaraan siyang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon kapalit ni dating NFA Administrator Jason Aquino.


Magsisilbi si Dansal sa ilalim ng unexpired term ni Aquino bilang miyembro ng NFA Council na nagsimula noong July 2018 at matatapos sa June 30 ngayong taon.

Dati nang nagsilbi bilang NFA Deputy Administrator for marketing operations si Dansal.

Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino, binatikos ang NFA dahil sa mababang suplay ng state-subsidized na palay sa mga local market gayundin ang isyu ng bukbok sa daan-daang sako ng bigas.

Noong nakaraang taon naman nang i-abolish ni Pangulong Duterte ang NFA Council at ibinalik ito sa kontrol ng Department of Agriculture.

Facebook Comments

From Advertisers