Julia Barretto at Janella Salvador, BFF na nga ba uli?

54

Usap-usap ngayon sa social media na nanumbalik na muli ang friendship nina Julia Barretto at Janella Salvador.

Ito ang makaraang mapansing ng mga netizen na naka-follow na muli si Julia kay Janella sa Instagram.

Nabatid na best friend ang dalawa, pero in-unfollow ni Julia si Janella noong January 2020.

Bagamat hindi malinaw ang dahilan kung bakit ginawa ito noon ni Julia, nangyari ang alitan ng magbest friend ng magsalita ng ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia na naging mabuting magkaibigan sila ni Janella.

Nitong lamang August 10, 2020 ay una nang nag-follow si Julia kay Joshua sa Instagram.

Facebook Comments