Julia Barretto, nagsalita sa balitang nabuntis daw ni Gerald Anderson

112

Julia Barretto, nagsalita sa balitang nabuntis daw ni Gerald Anderson

Fake News!

Ito ang maikli pero direktang sagot ng aktres na si Julia Barretto, kaugnay sa tsismis na ipinalutang ng dating broadcaster na si Jay Sonza sa Facebook kahapon, September 21, 2020.

Sa Facebook post ni Sonza, sinabi nito na napatunayang “hindi baog” sina Julia at Gerald Anderson dahil “may nabuo sa sinapupunan” ng aktres.

Galing daw ang impormasyong ito sa kapitbahay ng dating broadcaster.

Pero say ni Julia, wala itong katotohanan.

Hindi na nagbigay ng anumang paliwanag o detalye si Julia at hindi rin niya binanggit ang pangalan ni Sonza na nagpakalat ng maling balita.




Facebook Comments