Julian Ongpin, nasa lookout bulletin na ng Bureau of Immigration

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na kasama na si Julian Ongpin sa kanilang lookout bulletin.

Ito ay matapos na magpalabas ng ILBO o Immigration Lookout Bulletin Order ang Department ng Justice (DOJ) laban kay Ongpin.

Layon nito na matiyak na hindi makakalabas ng bansa si Ongpin


Si Ongpin ang sinasabing huling kasama nang namatay sa isang hostel sa La Union ang artist na si Bree Jonson.

Bukod dito, nakuhanan din si Ongpin ng iligal na droga.

Facebook Comments