Julie Ann San Jose, thankful sa mga fans na sumuporta at tumangkilik sa kaniyang on-line birthday concert

88

Manila, Philippines – Ito ang birthday message sa sarili ng singer aktrees na si Julie Ann San Jose matapos ang ginanap niyang on-line birthday concert.

Ayon kay Julie Ann, happy and thankful siya sa mga fans kung saan ito ang naisip niyang paraan para mabigyan niya ng kasiyahan ang mga ito na walang sawang tumatangkilik sa kaniya.

All out din sa support ang mga fans na everyday ipinagdiriwang ang kaniyang birthday sa buong buwan ng mayo.

At kahit na successful sa kaniyang career may pinipili pa din daw ni Julie na mag-celebrate ng simple sa kaniyang birthday kasama ang pamilya at ang boyfriend na si Benjamin Alves.

DZXL558

Facebook Comments